Ang bawat pamilya ay may napakahalagang papel sa pag-iwas sa COVID-19.
Una, tungkulin ng bawat pamilya na siguraduhing tama at sapat ang impormasyon ng bawat miyembro. Magandang maunawaan ng bawat isa kung paano kumakalat ang virus upang maiwasan din ang pagkakahawa. Siguraduhing ito ay napaguusapan sa loob ng pamilya. Tiyaking updated sa mga impormasyon mula sa tamang sources. Huwag basta-basta maniniwala at magpapakalat ng fake news.
Pangalawa, ang bawat isa sa pamilya ay maaring magbibigay paalala at motibasyon sa bawat miyembro upang magpatuloy sa pag-iingat at pagsunod sa minimum health standards. Halimbawa, paalalahanan si Nanay o Tatay na dapat tama ang pagsuot ng face mask sa pagpasok sa trabaho. Maaring paalalahanan si Ate o Kuya na bawasan muna ang paglabas labas kung hindi naman kailangan.
Ang pamilyang maingat at sumusunod sa minimum health standards ay nakakatulong sa buong komunidad dahil hindi na sila makakahawa sa iba pa. Hindi na rin sila makakadagdag pa sa mga magkakasakit na kailangang alagaan.
Tingnan ang section na ito upang malaman kung paano kumakalat ang COVID-19.