< BACK
Prevention

2. Paano ba kumakalat ang COVID-19?

Ang mga taong may COVID-19 ay maaaring nakakahawa na bago pa man sila makaramdam ng sintomas. Mas lalo na kung may sintomas na. Kaya naman, kung nakakaramdam na ng sakit kahit mild, manatili na lamang sa loob ng bahay.

Sa bawat paghinga, pagsasalita, pagbahing o pag-ubo, ang mga maysakit na COVID-19 ay naglalabas ng droplets o aerosols na may dalang milyon-milyong virus.  

  1. Ang droplets na may dalang virus ay mas malaki at mabigat, kaya hindi masyadong nakakalayo mula sa taong nakakahawa.  Dahil dito important ang physical distancing, upang hindi dumapo sa mukha o hindi malanghap ng iba ang talsik o droplets mula sa ubo at bahing. Important din ang paghuhugas o pag-disinfect ng kamay dahil hindi nakikita kung saang mga bagay dumapo ang mga droplets na ito.
  1. Ang mga napakaliit na aerosols ay maaring manatiling nakalutang sa hanging, lalo na kung hindi maganda ang ventilation.  Ihalintulad ito sa paglutang ng usok ng sigarilyo sa isang kulob na lugar. Makakatulong ang pagbukas ng mga bintana at bentilador upang pumasok ang sariwang hangin  at ma-disperse ang hangin na may nakalutang na virus. Ito din ang dahilan kung bakit kailangang iwasan ang mga kulob at matataong lugar.

‍Ang pagkalat ng virus sa pamamagitan ng droplet at aerosol ay napipigilan  ng tamang pagsuot ng mask at face shield.

Panoorin ang video na ito para sa karagdagang impormasyon tungkol sa pagkalat ng COVID-19.

Additional Notes

This project is supported by The Asia Foundation in cooperation with the Department of the Interior and Local Government.
Experience designed by Limitless Lab.