Malaki ang naging epekto ng COVID-19 sa buong mundo, at kabilang na dito ang pamilya. Iwasang mag-uwi ng virus sa pamilya.
Kapag nasa labas ka at pupunta sa mga publikong lugar tulad ng grocery, mga pamilihan, botika, bangko, at iba pa:
- Tiyaking 1 metro o higit pa ang distansya mo sa ibang tao
- Siguraduhing tama ang pagsuot ng face mask at face shield. Tingnan ang website na ito upang malaman kung paano magsuot ng face mask.
- Huwag hawakan ang mukha.
- Iwasang humawak sa mga bagay na hinahawakan ng maraming tao tulad ng mga pihitan ng pinto, mesa, upuan, atbp. Hugasan ang iyong mga kamay nang madalas o gumamit ng hand sanitizer matapos hawakang ang mga ito.
- Iwasang magtagal o tumambay sa isang lugar, lalo na kung matao at kulob ito.
- Sundin ang mga napagkasunduang guidelines ng iyong pamilya ukol sa shopping, pakikipagkita sa mga taong kakilala mo, atbp.
Sa Trabaho o sa Opisina:
- Sumunod sa mga health standards ng opisina or workplace.
- Siguraduhing tama ang pagsuot ng mask. Huwag hawakan ang mukha.
- Siguraduhing tama ang pagsuot ng mask.
- Hanggat maaari, kumain sa isang lugar na open air o maganda ang daloy ng hangin lalo na kung ang pantry ng opisina ay kulob at masikip.
- Limitahan ang pakikipaghalubilo sa iba lalo na kung napapansin na hindi sila sumusunod sa mga minimum health standards
- Kung kaya, buksan ang mga bintana at gamitin ang bentilador upang mapaganda ang daloy ng hangin.
Paanoorin ang video na ito upang mas magabayan sa iyong opisina.
Sa Paggamit ng Pampublikong Sasakyan:
- Tandaan ang apat na konsepto ng “Prevention."
- Kung sasakay ng taxi o TNVS, mas ligtas na buksan na lamang ang bintana.
- Mas ligtas ang mga sasakyang bukas ang bintana at malaya ang daloy ng hangin.
- Siguraduhing tama ang pagkakasuot ng mask at face shield. Huwag hawakan ang mukha.
- Piliin ang oras na hindi rush hour, hanggang maaari.
- Iwasang humawak sa mga bagay na hinahawakan ng maraming tao tulad ng mga pihitan ng pinto, mesa, upuan, atbp. Hugasan ang iyong mga kamay nang madalas o gumamit ng hand sanitizer matapos hawakang ang mga ito.
Maglinis at mag-disinfect
- Laging linisin ang mga rabaw (surface) sa iyong bahay at opisina. Kabilang dito ang mga mesa, pihitan ng pinto, switch ng ilaw, countertop, hawakan, desk, telepono, susi, keyboard, banyo, gripo, at lababo.
- Linisin ang mga rabaw sa iyong bahay, lugar ng trabaho, at negosyo
- Mag-disinfect gamit ang bleach solution (7 kutsara [100mL] ng 5% bleach solution sa 1 litrong tubig)
- I-disinfect ang mga bagay na madalas mong gamitin (gaya ng cellphone, susi, salamin sa mata, keyboard, atbp.) gamit ang 70% alcohol solution